Isinagawa ng Philippine Navy ang isang seremonya ng donning of ranks para sa dalawang bagong naitalagang mataas na opisyal nito. Sa nasabing okasyon, pinangunahan ni Vice Commander, Philippine Navy, Major General Edwin E. Amadar PN(M) ang paggawad ng mga ranggo sa punong himpilan ng hukbong dagat ng Pilipinas sa Maynila.
Itinaas sa ranggong Commodore si Commodore Norsal D. Dimaporo PN, ang Internal Auditor ng Philippine Navy na kinilala bilang kauna-unahang Muslim Bangsamoro na maabot ang Commodore position na may katumbas na 1-star General.
Sa kaniyang naging acceptance speech, inamin at ibinahagi ni Dimaporo na Hindi naging madali ang tinahak niyang daan para masungkit ang nasabing ranggo. Ngunit sa kabila nito, Hindi siya nawalan ng tiwala sa sarili at sa panginoon, “Tila napakalayo ng pangarap. This star seemed so distant—so elusive. Ngunit bilang isang Muslim, naniniwala ako na ang bawat pagkaantala ay may karunungan, at ang bawat pagsubok ay may nakalaang biyaya mula sa allah. As muslims, we believe that nothing happens by accident. Every success has its appointed time. Every delay has its wisdom.”
Dagdag pa ng Commodore, inaalay niya ang kanyang tagumpay Hindi para sa sarili, bagkus, para sa kanyang komunidad at sa bansa, “May this star never be a symbol of personal achievement, but a constant reminder to lead with justice, humility, compassion, and unwavering service to our people and our beloved country”.
Sa naging mensahe ni Amadar, pinuri nito ang dalawang bagong Commodore sa kanilang dedikasyon sa tungkulin bilang mga nakatataas na opisyal ng hukbong dagat. Binigyang-diin niya na ang kanilang promosyon ay isang mahalagang yugto sa kanilang karera.
Maliban kay Dimaporo, nagawaran din ng 1-star rank si Commodore Jim P. Razo PN, Commander ng Special Warfare Force, Philippine Navy.
Matatandaang pinalitan ni Dimaporo si Retired Commodore Lemuel E. Espartinez PN. | via Princess Habiba Sarip-Paudac