Umabot sa apat na bayan at lungsod sa Negros Occidental ang apektado ng moderately explosive eruption ng Bulkang Kanlaon ngayong July 9.
Batay sa monitoring ng Negros Occidental PDRRMC, parehong apektado ng ashfall at sulfur smell ang Barangay Buluangan at Quezon sa San Carlos City at Barangay Biak-na-Bato sa La Castellana.
Samantala, may naiulat na pangangamoy ng asupre sa Barangay Igmaya-an sa Don Salvador Benedicto; Barangay Codcod, 2 at 3 sa San Carlos City at Ma-ao sa Bago City.
Bukod dito, as of 4 PM, may 200 pamilya o 800 katao mula sa La Castellana ang lumikas sa mga evacuation center o sa iba pang mas ligtas na lugar.
Tiniyak naman ng pamahalaang panlalawigan na magpapatuloy ang kanilang pagbantay at pag-alalay sa mga residente na maaring maapektuhan ng muling pagputok ng naturang bulkan pati na ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Inday. | ulat ni JP Hervas | RP1 Iloilo