Tiniyak ng Philippine Ports Authority ang kaligtasan ng mga stranded na pasahero sa iba’t-ibang pantalan sa bansa dulot ng bagyong Inday.
Ayon kay PPA Spokesperson Eunice Samonte, nananatili muna sa mga port terminal ang mga stranded passengers habang hinihintay ang pagbabalik ng normal na biyahe ng mga barko.
may nakahanda ring mga hot meals ang mga pantalan at tiniyak na sapat ang mga nakahandang ready to eat food packs mula sa DSWD.
may nakahanda ring 24-oras na clinic sa mga pantalan para sa mga pasaherong mangangailangan ng atensyong medikal.
sa oras naman na kailangang lumikas dahil sa banta ng storm surge o malalakas na alon.
Nakahanda ang evacuation plan ng PPA kaagapay ang mga lokal na pamahalaan.
Ililipat ang mga pasahero sa mas ligtas na evacuation centers tulad ng mga paaralan na malapit sa mga pantalan.
Pinapayuhan din ng PPA ang mga pasahero na tutukan ang opisyal nitong social media pages at mga abiso ng kanilang shipping lines para sa mga kanselado, suspendido o naka-reschedule na biyahe. | ulat ni DK Zarate