House members.. bumwelta sa paratang na pamumulitika ni VP Sara.. hamon nila sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya
Pumalag ang House prosecution panel matapos sabihin ni VP Sara Duterte na ihinto ang pamomolitika at magpokus na lang sa ekonomiya at serbisyo publiko.
Ayon sa mga mambabatas, hindi natitigil ang trabaho ng Kamara para sa bansa habang umuusad ang impeachment trial sa Senado.
Binuweltahan ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang naging pahayag ng Bise Presidente.
Diin niya, kaliwa’t kanan ang mga interbensyon ng pamahalaan para sa sikmura ng mga Pilipino, tulad ng pagtataas ng sahod sa iba’t-ibang rehiyon at pagtiyak na ramdam ng ordinaryong pamilya ang pag-unlad ng ekonomiya. | ulat ni Melany Reyes