Namahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng 1,286 na titulo saklaw ang 795 na hektariya ng lupa sa 693 na Agrarian Reform Beneficiary (ARB) sa Negros Occidental.
Bukod dito, 99,647 na Certificate of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) ang ipinamahagi sa 76,013 na ARB sa lalawigan na tuluyang nagbura ng higit sa P13.9 billion na halaga ng pinagsamang utang ng mga benepisyaryo sa kanilang mga lupang sinasaka.
Samantala, siyam na organisasyon ng mga ARB sa lalawigan ang tumanggap ng iba’t-ibang makinarya at kagamitan sa pagsasaka na nagkakahalaga ng P97.5 million.
Ang pamamahagi ng titulo ng lupa, mga makinarya sa pagsasaka at ang tuluyang pagbura ng utang ng mga benepisyaryo ay pagtupad ng DAR sa pangunguna ni Secetary Conrado Estrella III sa naging pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tatapusin ang mga pamamahagi ng titulo pang-agraryo bago matapos ang kanyang termino at hindi pababayaan ang mga magsasaka pagkatapos mabigyan ng lupa.
📸 DAR NIR


