Tatlumpung aspiring doctors mula sa Taguig ang unang batch ng mga benepisyaryo ng INvesting in the Value of Education through Stewardship for Taguigeños o INVEST Scholarship Program for Medicine ng Pamahalaang Lungsod.
Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang awarding ceremony para sa tinaguriang Batch Tanglaw, ang kauna-unahang grupo ng mga iskolar na tatanggap ng buong scholarship para sa pag-aaral ng medisina.
Sasagutin ng programa ang kanilang tuition at miscellaneous fees, bukod pa sa ₱15,000 buwanang allowance habang sila ay nasa medical school.
Nakapasok ang mga iskolar sa top 10 medical schools sa bansa, kung saan aabot sa ₱590,000 kada taon ang halaga ng scholarship depende sa kanilang paaralan.
Ayon kay Mayor Lani, layunin ng programa na makapag- produce ng mas maraming doktor na maglilingkod sa mga Taguigeño sa hinaharap.
Sa kasalukuyan, mahigit 130,000 scholars na ang natulungan ng lungsod sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad at higit 6,000 dito ay mga licensed professionals na, kabilang ang 88 physicians.