Sinisiguro ng Department of National Defense (DND) ang patuloy na pagtatanggol sa mga karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Award.
Sa mensahe ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., sinabi niya na patuloy na palalakasin ng pamahalaan ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mapangalagaan ang teritoryo ng bansa.
Ayon pa sa kalihim, lumalawak ang suporta ng mga Pilipino sa mga hakbang ng pamahalaan sa West Philippine Sea, habang patuloy ring pinalalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang nagsusulong ng international law.
Iginiit ng DND na ipagpapatuloy nito ang pagpapatupad ng Arbitral Award at hindi isusuko ng Pilipinas ang mga karapatan at kapakinabangan nito sa West Philippine Sea.