Photo courtesy of Department of Finance (DOF)
Nilinaw ng Department of Finance (DOF) na hindi awtomatikong magtataas ng real property tax ang pagpapatupad ng Real Property Valuation and Assessment Reform Act o RPVARA.
Ayon kay Finance Secretary Frederick D. Go, may kapangyarihan pa rin ang mga local government unit (LGU) na ibaba ang assessment level, tax rate, o kapwa ito batay sa kanilang kalagayang pinansyal at pangangailangan ng mga residente.
Layunin ng RPVARA, na magpatupad ng iisang pamantayan sa pagtataya ng halaga ng mga ari-arian upang maging patas, napapanahon, at malinaw ang sistema.
Tiniyak din ng DOF na gagabayan ng Bureau of Local Government Finance ang mga LGU sa pagpapatupad ng batas.