Photo courtesy of Department of National Defense (DND)
Kumpiyansa si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na marami nang napagtagumpayan ang Pilipinas sa nakalipas na isang dekada mula nang maipanalo ang kaso laban sa China sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands, noong 2016.
Ito ang tinuran ng kalihim nang bisitahin nito kahapon ang mga residente ng PAG-ASA Island, na bahagi ng Kalayaan Island Group (KIG) kasabay ng unang dekada ng makasaysayang Arbitral ruling pabor sa Pilipinas.
Dito, namahagi ang kalihim ng mga mumunting handog para sa mga residente ng Kalayaan kasabay na rin ng okasyon.
Sa panayam kay Teodoro, sinabi nito na puspusan ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang ibigay ang pangangailangan ng mga taga-isla.
Pangarap aniya nila sa pamahalaan, na lumago ang populasyon ng mga taga Pag-asa gayundin ng iba pang features nito para na rin sa mas maaluwal na pamumuhay doon.
Bagaman marami nang naging tagumpay mula nang maipanalo ng Pilipinas ang reklamo nito kontra China sa arbitration, 10 taon na ang nakalilipas, dapat pang magdoble-kayod ng mga Pilipino dahil sa mabilis ang mga hakbang ng kabila para sakupin tayo.