Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) – Cavite ang pagkasawi ng isang grade 4 student sa Hugo Perez Elementary School-Annex na sumailalim sa deworming activity, noong nakaraang linggo.
Sa inilabas na advisory, nagpahayag ng kalungkutan at pakikiramay ang DepEd Cavite sa pamilya ng estudyante.
Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DepEd Cavite sa mga awtoridad.
Handa rin umano silang sumailalim sa imbestigasyon at harapin ang ano mang legal na aksyon sakaling kailanganin.
Pagtitiyak pa ng DepEd Cavite, hindi sila tatakas sa kanilang responsibilidad at tutupad sila sa kanilang mandato na pangalagaan ang mga mag aaral.