Bilang pagtugon sa pangarap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibalik sa mga Pilipino ang nawawalang oras ng mga ito sa pagko-commute,
inilunsad ng Department of Transportation (DOTr), Light Rail Transit Authority (LRTA), at Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ang pilot implementation ng digital fare payment system sa LRT Line 2 Legarda Station.
Sa ilalim ng programa, maaari nang direktang magbayad sa itinakdang RCBC fare gates o fast lane gamit ang Visa o Mastercard contactless card, NFC-enabled mobile device, at GCash QR code.
Ibig sabihin, awtomatiko nang mababawas ang pamasahe sa mga pasahero kapag nagta-tap o nag-i-scan sila ng kanilang card, mobile device, o QR code sa pagpasok at paglabas ng mga istasyon ng LRT-2.
Layunin ng DOTr, LRTA, at RCBC na gawing mas mabilis, maginhawa, at cashless ang biyahe ng mga commuter.