Opisyal na bubuksan ngayong Martes ang ika-43 Migrant Workers Office o MWO sa Phnom Penh, Cambodia.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, ipinahayag ni Philippine Ambassador to Cambodia Flerida Ann Camille Mayo ang kanyang kagalakan sa bagong tanggapan.
Ayon kay Ambassador Mayo, layunin ng pagbubukas ng MWO na matulungan ang mga OFW na biktima ng illegal recruitment at human trafficking.
Batay sa datos ng embahada, mabilis ang paglago ng bilang ng mga Pilipino sa Cambodia na umabot na sa 13,000 OFW nitong 2025 mula sa 10,000 noong 2024.
Samantala, binigyang-diin naman ni Labor Attaché Melvin Caseda ng MWO-Phnom Penh na ang operasyon ng kanilang bagong opisina ay nakabatay sa Republic Act 1164 o ang DMW Act upang labanan ang pangunahing suliranin ng mga Pilipino doon.
Dagdag pa ni Labor Attaché Caseda, karaniwan sa mga lumalapit sa kanilang tanggapan ay mga kababayan nating na-traffick at na-recruit nang ilegal.
Inisa-isa rin niya ang mga serbisyong maaaring ma-avail ng mga manggagawa.