Photo courtesy of Pope Leo XIV's official Instagram Account
Isang makasaysayang pagbabalik sa South America ang hatid ng pagbisita ni Pope Leo XIV sa gitna nang patuloy na pagbangon mula sa kaniyang operasyon sa baga nitong nakaraang buwan.
Ayon sa ulat ng Reuters, bibisita ang Santo Papa sa Uruguay, Argentina, at Peru mula Nobiyembre 6 hanggang 17.
Inaasahang dadagsain ng milyon-milyong katoliko ang kaniyang mga misa at iba pang aktibidad sa 10 lungsod.
Partikular na makahulugan ang pagbisita sa Peru kung saan ginugol ni Pope Leo ang maraming taon bilang misyonero bago naging obispo at mamamayan ng bansa.
Nais din ng Santo Papa na gamitin ang paglalakbay upang palakasin ang pananampalataya, buhayin ang pag-asa, at itaguyod ang kapayapaan, pagkakaisa, at pagmamalasakit sa kapwa.
Samantala, tiniyak naman ng Vatican na maayos na ang kalusugan ng Santo Papa at wala nang kinakailangang karagdagang medikal na pag-iingat sa kaniyang paglalakbay.