Mula sa mahigit 60, bumaba na sa 24 ang mga barko ng China ang namataan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula July 7 hanggang 13.
Iyan ang inihayag ni AFP Spokesperson for the West Philippine Sea, retired and reserved RAdm. Roy Vincent Trinidad sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo, ngayong araw.
Ang 24 sa mga ito ay pawang mga barko ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal, 13 CCG vessels sa Bajo de Masinloc habang dalawang CCG, at isang barko ng People’s Liberation Army (PLA) Navy vessel ang namataan sa Escoda Shoal.
Nananatili naman sa Pag-asa island ang tig-2 China Coast Guard at PLA Navy vessel.
Patuloy namang tinitiyak ng AFP ang kanilang patuloy na pagbabantay sa pambansang teritoryo at soberanya ng Pilipinas, alinsunod sa international law at layuning mapanatili ang kapayapaan gayundin ang kaayusan sa rehiyon.