Malacañang, dumepensa sa pagkakatalaga kay dating budget Sec. Pangandaman bilang chair ng Islamic Bank
Iginiit ng Malacañang na nananatiling inosente si dating Budget Secretary Amenah Pangandaman sa umano’y pagkaka-sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ito ang depensa ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro makaraang italaga si Pangandaman bilang chair at CEO ng Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines, isang GOCC.
Sakali man na may ebidensya laban sa dating kalihim ay nananatiling bukas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paimbestigahan ang tungkol dito.
November 2025 nang magbitiw sa pwesto si Pangandaman bilang budget secretary matapos iugnay sa flood control scandal.