Nagbitiw sa puwesto si ex-Department of Health (DOH) Secretary Dr. Teodoro Herbosa upang tutukan ang kanyang paggaling matapos sumailalim sa bilateral knee replacement surgery, noong July 7.
Ayon kay Herbosa, kailangan niyang makumpleto ang physical therapy at rehabilitation, at upang hindi rin maapektuhan ng kanyang kondisyon ang araw-araw na operasyon ng DOH.
Isinumite ni Herbosa ang kanyang resignation letter kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at nagpasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Binati rin ni Herbosa ang bagong Kalihim ng Kalusugan na si Jose “Brix” Pujalte Jr. at tiniyak ang patuloy na suporta sa mga programa ng administrasyon para sa sektor ng kalusugan.