Umabot na sa mahigit 700 ka pamilya ang apektado ngayon ng masamang panahon dulot ng Habagat sa Davao region.
Base sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Davao, nasa 719 na pamilya o 2,291 na indibidwal ang apektado mula sa sampung barangay sa rehiyon.
Nakapagtala rin ang ahensya ng 41 nasirang kabahayan. Habang limang tao na ang kumpirmadong nasawi dahil sa flashflood sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental.
Samantala, tiniyak naman ng DSWD na nakahanda ang mga relief resources para sa agarang pagtugon sa mga apektadong residente.
Ayon sa ahensya, may nakaimbak na 181,162 Family Food Packs na nagkakahalaga ng mahigit ₱112.3 milyon. Nakahanda rin ang mahigit ₱57.8 milyon na non-food items kabilang ang iba pang relief supplies.
Samantala, nasa ₱2 million naman ang standby funds na maaaring gamitin para sa agarang relief operations sa mga komunidad na naapektuhan ng Habagat.
📷 LGU Jose Abad Santos