Walang patid ang pagpapadala ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Inday at habagat.
Ayon sa DSWD, umabot na sa 63,251 family food packs (FFPs), 9,389 ready-to-eat food (RTEF) boxes at 2,713 non-food items ang naipamahagi sa mga lugar na naapektuhan partikular sa Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Negros Island Region (NIR), Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at BARMM.
Bahagi ito ng augmentation request mula sa mga lokal na pamahalaan na nakalaan para sa mga pamilyang naapektuhan.
Kaugnay nito, umabot na rin sa ₱54.5-milyon ang kabuuang halaga ng naipamahaging humanitarian assistance para sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.
Habang nananatiling available ang nasa higit ₱5-bilyon pang pondo ng ahensya para sa mga nangangailangang komunidad.
📸 DSWD

