Umabot na sa ₱12.50 million ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura sa CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, at Negros Island Region kasunod ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng Bagyong Inday at habagat.
Ayon sa DA, nasa 500 ektarya ng sakahan, mais, at livestock ang apektado na may tinatayang 107 metriko tonelada ng production loss.
Katumbas na rin ito ng 1,078 magsasaka na naapektuhan ng kalamidad.
Kaugnay nito, nagpapatuloy rin ang intervention ng DA para sa apektadong sektor kabilang ang pagposisyon ng mga kinakailangang binhi at biologics, at paghahanda ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program at indemnification sa insured farmers.



