Tumaas ang porsyento ng mga Pilipinong nasisiyahan sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., batay yan sa results ng 2nd quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa naturang survey, lumalabas na 38% ng mga Pilipino ang nagsabing nasisiyahan sila sa pagganap ng tungkulin ng Pangulo, habang 45% ang hindi nasisiyahan at 17% ang hindi makapagpasya.
Dahil dito, umangat ang kanyang net satisfaction rating sa -7, na nananatiling nasa “neutral” batay sa klasipikasyon ng SWS.
Ayon sa SWS, ito ang pinakamalaking pag-angat ng satisfaction rating ng Pangulo mula sa kanyang naitalang rating noong unang quarter ng taon.
Kapansin-pansin na tumaas din ang satisfaction rating sa lahat ng pangunahing rehiyon ng bansa, kabilang ang Balance Luzon, Visayas, Metro Manila, at Mindanao.
Isinagawa ang 2nd Quarter 2026 Social Weather Survey mula June 20-29, 2026, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults nationwide.