Patuloy na pinalalakas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang digital payments ecosystem ng bansa sa pamamagitan ng magkakaugnay na imprastraktura at mga patakarang sumusuporta sa mabilis, ligtas at maaasahang transaksyon.
Ayon kay BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan, kabilang sa mga isinusulong na digital payment solutions ang InstaPay, PESONet, QRPh, Automated Fare Collection System, at Bills Pay PH para sa mas maayos na pagbabayad ng mga mamimili at negosyo.
Naglabas din ang BSP ng Circular Number 1238 na naglalayong mapababa ang transfer fees para sa mga consumer at mapalawak ang mga lugar na tumatanggap ng digital payments.
Sa ilalim ng polisiya, pasisimplehin ang onboarding ng micro at impormal na mga negosyante upang mas marami ang makagamit at makatanggap ng cashless payments.