Sinagot ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang tanong kung may plano ba siyang tumakbo sa 2028 National Elections.
Ito’y sa gitna na rin ng kaniyang pagiging aktibo sa pag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa kaugnay ng mga aktbidad tungkol sa arbitral ruling sa West Philippine Sea at National Security.
Sinabi ng kalihim sa isang panayam sa kaniyang pagbisita sa Bicol na nakatuon ang kaniyang pansin sa trabaho at masyado pang maaga para isipin ang politika.
Gayunman, hindi tahasang isinasantabi ng kalihim ang posibilidad at sa halip na iginiit nitong kusang umuusbong ang politika at hindi pinipilit.
Kaya ang kaniyang katagang sinabit ay “KUNG UUKOL, BUBUKOL.”