Photo courtesy of OPAPRU chair Mel Senen Sarmiento
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Chairperson ng Government Peace Implementing Panel for the Goverment of the Philippines Moro Islamic Liberation Front si Secretary Mel Senen Sarmiento.
Ito ang kinumpirma ni Communications Usec. Claire Castro ngayong araw (July 15).
Kung matatandaan, si Sarmiento ang kasalukuyang Chairperson ng Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).
Malugod namang tinanggap ni Sarmiento ang panibagong tungkulin na ito, aniya ay sumasalamin sa tiwala at kumpiyansa sa kaniya ni Pangulong Marcos.
Kasabay nito, nanawagan ang opisyal ng kooperasyon at suporta, para sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan, sa ilalim ng isang Bagong Pilipinas.