Hinimok ni Senator-judge Erwin Tulfo ang Securities and Exchange Commission (SEC) na gumawa ng paraan para mapaalalahanan ang mga government official kapag may posibleng paglabag sa mga patakaran sa pagnenegosyo o pagmamay-ari ng korporasyon.
Sa day 27 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, tinanong ni Tulfo ang SEC kung bakit hindi nito binalikan o pinaalalahanan si VP sara nang makita ang pangalan niya sa mga corporate records matapos siyang maging Vice President.
Ayon kay SEC Director Atty. Gerardo Del Rosario, wala silang natatanggap na direktiba mula sa executive, legislative, o judiciary na i-report o paalalahanan ang mga opisyal tungkol sa ganitong posibleng paglabag.
Iminungkahi naman ni del Rosario na maglagay ang SEC ng mga video o paalala sa automated registration system nito para ipaalam sa mga opisyal ang mga batas na naglilimita sa pagtatayo o pagmamay-ari ng kumpanya.
Hiniling naman ni Tulfo na maaaring maglabas ang SEC ng internal administrative order para regular na paalalahanan ang mga opisyal. Nangako si Del Rosario na irerekomenda niya sa SEC Commission En Banc ang mungkahi ni Senator Erwin.