Photo courtesy of Quezon City Traffic and Transport Management Department
Nagkasa ngayon ng clearing operations ang Quezon City Traffic and Transport Management Department (TTMD) sa ilang alternatibong ruta sa kahabaan ng Congressional Avenue, partikular sa Barangay Bahay Toro at Barangay Alicia.
Layon ng operasyon na mapanatiling maluwag ang mga alternatibong daanan kasunod ng pansamantalang pagsasara ng Culiat Bridge.
Sa operasyon, inalis ang mga sagabal sa kalsada, para matiyak ang ligtas at maayos na trapiko para sa mga motorista at pedestrian.
Nanawagan din ang TTMD sa publiko na makiisa sa pagpapanatili ng disiplina sa kalsada sa pamamagitan ng pagsunod sa mga umiiral na batas at ordinansa sa trapiko.