Tinawag na walang basehan at katawa-tawa ng isang Maritime expert ang naging paggiit ng ilang Chinese scholars na parte ng Taiwan ang Batanes Islands.
Ayon kay Maritime expert at UP Institute of Maritime Affairs Director, Atty. Jay Batongbacal matagal nang puntirya ng China ang Batanes Islands dahil sa strategic importance nito hindi lang sa usaping pang-depensa kundi sa larangang pang-ekonomiko.
Ani Batongbacal kung may plano na ang China na tuluyang sakupin ang Taiwan ay tiyak na kasama na rin sa plano nito ang pagsakop sa mga isla ng Batanes na parte nang isang mas malaking plano ng Tsina.
Ang mahalaga sa ngayon ay patuloy na tuligsain at harangin ng pamahalaan ang mga haka-hakang ito at maipakita sa International community ang patuloy na agresyon ng China at sa posibleng mga susunod nilang hakbang.