Isang napakalaking hakbang para sa pagkamit ng Pilipinas sa mas malaking bahagdan ng renewable energy ang inagurasyon ng MTerra Solar Project Phase 1 na itinuturing na world’s largest operational integrated solar-and-battery facility sa iisang lugar, na ngayon ay nasa Gapan, Nueva Ecija.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin, all hands on deck ang pamahalaan upang suportahan ang pagpapatayo ng MTerra Solar Project dahil sa laki ng maiaambag nito sa renewable energy initiatives ng bansa.
Isa rin itong testamento ng husay, galing at pagpupunyagi ng mga Pilipino, isang matibay na patunay na kaya nang makipagsabayan ngayon ng Pilipinas pagdating sa usapin ng renewable energy at literal na naitala na ngayon sa renewable energy map ang pangalan ng bansa.
Inaasahang magiging operational na sa Agosto ang Phase 1 ng project habang ang Phase 2 ay inaasahang makukumpleto sa taong 2027.