Ilalarga na ng Department of Agriculture (DA) sa Disyembre ang mobile solar irrigation systems para ibsan ang epekto ng El Niño.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, karamihan sa mga unit ay ipapamahagi sa January 2027 kung saan inaasahan ang peak ng dry spell.
Bukod sa palayan at pagtatanim ng gulay, makatutulong din ito sa livestock at aquaculture.
Ilalagay ang mobile systems sa mga lugar na pinaka-apektado ng El Niño at mayroong pagkukunan ng tubig.
Una nang humiling ang DA ng ₱3-bilyon para sa irrigation projects mula sa UPLIFT program kung saan ₱1-bilyon ay inilaan para sa mobile solar irrigation, habang ang natitirang ₱2-bilyon ay para sa regular solar irrigation projects.