Inilunsad ng Kamra sa pamamagitan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang kauna-unahang public consultation sa panukalang New Party-List System Act.
Ang unang kunsultasyon ay ginanap sa Butuan City.
Ayon kay Committee Chairperson and Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, layon ng panukalang reporma na tugunan ang longstanding questions sa party-list system.
Target din nitong matiyak na ang congressional seats ay para sa marginalized and underrepresented sectors.
Paliwanag ni Adiong, ang mga kalituhan sa umiiral na batas, magkakaibang interpretasyon, kwalipikasyon ng ilang kinatawan ay nagdudulot ng alalahanin sa integridad ng buong sistema.