Photo courtesy of Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Simula ngayong November 6 ay tumatanggap na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng aplikasyon para sa special permit ng mga public utility bus (PUB) operator kaugnay ng inaasahang pagdami ng mga commuter sa long weekend kasabay ng pagdaraos ng 49th ASEAN Summit sa Metro Manila.
Ayon sa LTFRB, tatagal ang pagtanggap ng mga aplikasyon hanggang November 11, 2026 at magiging valid naman ang mga maaprubahang special permit mula November 13 hanggang November 22, 2026.
Kabilang sa mga kailangang isumiteng dokumento ang Official Receipt at Certificate of Registration o OR/CR mula sa Land Transportation Office, gayundin ang valid Personal Passenger Accident Insurance o PPAI.
Dapat ding dumaan sa Metro Manila ang rutang inaaplayan.
Nilinaw naman ng LTFRB na hanggang 50% lamang ng kabuuang authorized units ng bawat operator sa bawat ruta ang maaaring isama sa aplikasyon.