Pinuri ni House lead prosecutor Gerville Luistro ang desisyon ni dating law dean Ralph Sarmiento na hindi tumestigo para sa depensa ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.
Ayon kay Luistro, hinangaan niya ang paninindigan ni Sarmiento na panatilihin ang kanyang independence bilang constitutional law professor at legal analyst.
Kinuwestiyon naman ng mambabatas kung kinonsulta muna ng kampo ni Duterte si Sarmiento bago naghain ng mosyon para ipatawag ito bilang saksi.
Tatalakayin sana ni Sarmiento ang mga usaping konstitusyonal kaugnay ng natitirang Article II o ang alegasyon ng unexplained wealth.
Duda naman si Luistro kung paano pasisinungalingan ng mga kukuning testigo ng depensa ang mga ebidensya ng prosekusyon dahil nakabatay sa mga dokumento at financial records ang mga ito.
Sakali naman aniyang tumestigo mismo ang bise presidente, naniniwala si Luistro na magiging paborable ito para sa prosekusyon.