Nakipagpulong ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga kinatawan ng maritime training institutions at assessment centers upang talakayin ang mga problema sa pagsasanay at assessment ng mga Filipino seafarer.
Pinangunahan ni MARINA Officer-in-Charge Administrator Rear Admiral Loumer P. Bernabe, Philippine Navy (Retired), ang dayalogo kahapon, November 5.
Kabilang sa mga tinalakay ang mga patakaran at proseso sa ilalim ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW).
Tiniyak ni Bernabe na pag-aaralan ng MARINA ang mga reklamong inihain ng maritime training sector upang matugunan ang kanilang mga suliranin.
Binigyang-diin din ng opisyal na pangunahing prayoridad ng ahensya ang kapakanan ng mga Filipino seafarer, alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation Secretary Vince Dizon at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.