Nakapagtala ng bagong rekord ang Bureau of Customs (BOC) matapos umabot sa ₱97.463 bilyon ang koleksyon nito noong October, sa kabila ng pagbaba ng import volume.
Mas mataas ito ng ₱14.501 bilyon kumpara sa koleksyon noong October ng nakaraang taon at katumbas ng 99.42 porsiyento ng target para sa buwan.
Samantala, umabot na sa ₱853.662 bilyon ang kabuuang koleksyon ng BOC mula January hanggang October, na lumampas ng ₱7.140 bilyon sa itinakdang target.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, resulta ito ng mas mahigpit na revenue monitoring, pinahusay na customs administration at pagsisikap ng mga kawani ng ahensya.
Target naman ng BOC na maabot ang ₱1.011 trilyong koleksyon ngayong 2026, kaya kailangan pa nitong makalikom ng mahigit ₱157 bilyon sa November at December.