Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang donning of ranks ng mga bagong promote na opisyal nito sa Kampo Crame ngayong araw.
Anim na Police Colonel ang ginawaran ng “estrella” matapos silang iangat sa ranggong Police Brigadier General, kabilang na si PNP Public Information Office (PIO) Chief at kasalukuyang Spokesperson na si PBGen. Allen Rae Co.
Samantala, 11 Police Lieutenant Colonel din ang itinaas ang ranggo bilang mga ganap na Police Colonel.
Tiniyak naman ng mga bagong promote na opisyal sa kani-kanilang mensahe na lalo pa nilang pag-iibayuhin ang kanilang trabaho alinsunod sa mandato ng PNP.
