Minamadali na ng National Irrigation Administration (NIA) ang konstruksiyon ng ₱20.544 bilyon na Balog-Balog Multi-Purpose Project Phase II.
Sa panayam ng programang Bangon, Bayang Mahal kay NIA Administrator Engineer Eddie Guillen, sinabi nitong malaki ang maitutulong hindi lang sa agri stakeholders tulad ng mga magsasaka bilang irrigation water souce ng nasabing dam kundi marami din itong magiging gamit.
Sa sandaling matapos ang proyekto, inaasahang makakalikha ito ng 43.5 megawatts na renewable energy para sa mga lalawigang nasa Gitnang Luzon gaya ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales.
Gayundin ay mayroon din itong flood control components na makatutulong naman sa flood mitigation efforts.