Mas mapapalawak pa ang paghahatid ng mahahalagang impormasyon at serbisyo para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya sa Rehiyon 1 matapos lagdaan ng Presidential Broadcast Service – Radyo Pilipinas Agoo at Department of Migrant Workers (DMW) Regional Office I ang isang Memorandum of Agreement o MOA.
Sa ilalim ng kasunduan, ilulunsad ang buwanang programang pangradyo na “Tahanan ng OFW sa Radyo: DMW – Diskusyon sa Migrasyon at Wastong Impormasyon,” na magsisilbing plataporma para maipabatid sa publiko ang mga programa, serbisyo, polisiya, at iba pang mahahalagang usapin tungkol sa migrasyon at kapakanan ng mga OFW.
Nilagdaan ang MOA nina Ms. Charity J. Frianeza, Acting Station Manager ng DZAG Radyo Pilipinas Agoo; DMW Region 1 Regional Director Christian Rey O. Sison; at Romeo A. Jaramilla, OIC–Assistant Regional Director.Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, higit pang mailalapit sa mga OFW at kanilang mga pamilya ang tama, napapanahon, at mapagkakatiwalaang impormasyon sa pamamagitan ng Radyo Publiko.
📷 Ireneo Mercado