Binigyang-diin ni Rear Admiral Jay Tarriela, Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea, ang kahalagahan ng agarang pagtugon ng Pilipinas sa kamakailang pahayag ng ilang Chinese scholars na nag-aangkin sa lalawigan ng Batanes bilang bahagi umano ng China.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas, sinabi ni Tarriela na bahagi umano ng “misinformation” strategy ng China ang paggamit sa mga scholar nito upang maipalaganap ang kanilang mga naratibo sa pamamagitan ng media. Aniya, kapag hindi ito agad napabulaanan, maaari umano itong mauwi sa opisyal na posisyon o policy statement ng China.
Samantala, iginiit din ni Tarriela na nararapat magpaliwanag si Chinese Ambassador Jing Quan kaugnay ng kanyang pagbisita sa Batanes noong nakaraang buwan kung may kaugnayan ba ito sa naturang pahayag ng mga Chinese scholar.