Binigyang-diin ni House Prosecution Legal Spokesperson Atty. Jay Tolosa Jr. ang kahalagahan ng gaganaping oral arguments, ngayong hapon sa Senate Impeachment Court.
Ito ay may kaugnayan sa hiling ng prosekusyon na ipa-subpoena ang bank at tax records ng mag-asawang Vice President Sara Duterte at Atty. Mans Carpio.
Ayon kay Tolossa, mahalaga ang hakbang na ito upang mapakinggan ng senator-judges ang argumento ng magkabilang panig.
Ang bank records at income tax returns (ITRs) ng mag-asawa ay bahagi ng mga ebidensya para sa Article 2 (Unexplained Wealth), na siyang huling sasalang sa paglilitis.
Paliwanag pa ni Tolossa, bagaman huli pa ito sa talakayan, kailangan na itong hilingin nang maaga upang maiwasan ang ano mang pagkaantala sa proseso ng impeachment.