Photo courtesy of Manila PIO
Ginawaran ang Lungsod ng Maynila ng Special Achievement in Geographic Information Systems Award ng Esri dahil sa makabagong paggamit ng geospatial technology sa disaster management.
Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang delegasyon ng lungsod sa pagtanggap ng parangal sa Esri User Conference sa San Diego, California.
Tanging Maynila ang pinarangalan mula sa Pilipinas at kabilang sa 197 organisasyong napili mula sa mahigit 700,000 gumagamit ng Esri sa buong mundo.
Kinilala ang paggamit ng lungsod ng digital mapping, spatial analysis at real-time data monitoring upang mapahusay ang paghahanda at pagtugon sa baha, sunog at iba pang emergency sa anim na distrito ng Maynila.
Ayon sa pamahalaang lungsod, bunga ang parangal ng mga proyekto ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department at GIS team para mapalakas ang kaligtasan ng mga Manileño.