Umabot sa 1,156 na Persons Deprived of Liberty (PDL) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) mula noong June 12 hanggang ngayong araw, July 17. Ito ang mga PDL na mga nakatapos na ng sentensya, nabigyan ng parole, na-acquit sa mga kaso o kaya ay inilagay sa probationary.
Ayon naman kay Director General Gregorio Catapang Jr., ang pagpapalaya sa mga PDL ay para sa decongestion ng mga kulungan at pagpapanatili ng karapatang pantao ng nga PDL. Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. umabot na sa 33,919 ang napalayang PDL.
Pinaalalahanan naman ni Board of Pardons and Parole Chairman Sergio Calizo Jr., ang mga PDL na nabigyan ng parole na ‘wag kalimutan na mag-report sa Parole and Probation Administration Office dahil sila ang tutulong para maayos na makabalik sa komunidad ang mga napalayang PDL.