Photo courtesy of NIA Bicol
Pormal nang itinurn-over ng National Irrigation Administration (NIA) Bicol, katuwang ang Department of Agrarian Reform (DAR), ang San Francisco Pump Irrigation System sa Northern Canaman Farmers Irrigators Association, Inc. (NCFIA) sa bayan ng Canaman, Camarines Sur.
Ayon sa DAR Camarines Sur, inaasahang magbibigay ang proyekto ng tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa mahigit 100 ektarya ng palayan sa tatlong barangay. Layunin nitong mapataas ang produktibidad ng agrikultura at mapalakas ang kabuhayan ng mga benepisyaryong magsasaka.
Sinabi naman ng NIA Bicol na sa pamamahala ng asosasyon, mas mapapangalagaan at mapapakinabangan ang irrigation system, na inaasahang magreresulta sa mas mataas na ani, mas maayos na kabuhayan ng mga magsasaka, at mas matatag na seguridad sa pagkain.
Pinangunahan ang turnover ceremony nina NIA Bicol Regional Manager Engr. Gaudencio John De Vera, Camarines Sur 3rd District Representative Nelson Legacion, at NIA Camarines Sur Irrigation Management Office Manager Engr. Carol L. Rañola, kasama ang mga kinatawan ng NIA, DAR, lokal na pamahalaan, at mga benepisyaryong magsasaka.