Photo Cortesy of Supreme Court of the Philippines (Website)
Pormal na nilagdaan ang kasunduan noong Hulyo 10 sa SC En Banc Session Hall sa Maynila, sa pangunguna nina Supreme Court Senior Associate Justice at noon ay Acting Chief Justice Marvic M.V.F. Leonen at SC Associate Justice at 2026 Bar Examinations Chairperson Samuel H. Gaerlan.
Bilang National Headquarters, magsisilbing sentro ng operasyon ang SBCA sa koordinasyon ng mga pagsusulit, seguridad ng examination materials at pangangasiwa sa Bar examinations sa buong bansa.
Ikatlong pagkakataon na itong naitalaga sa naturang tungkulin.
Kabilang din ang SBCA sa 15 testing centers ngayong taon, na binubuo ng pito sa National Capital Region, tatlo sa Luzon, tatlo sa Visayas at dalawa sa Mindanao.
Gaganapin ang 2026 Bar Examinations sa Setyembre 6, 9 at 13, kung saan anim na pangunahing asignatura ang sasagutan ng mga examinee.
Umabot sa rekord na 14,291 aplikante ang nagparehistro para sa pagsusulit, ang pinakamataas na bilang sa kasaysayan ng Philippine Bar Examinations.