Isinasagawa ngayong araw, Hulyo 18, ang Go Negosyo MSME Summit 2026 sa SM Mall of Asia Music Hall sa Pasay City, sa pakikipagtulungan kasama ng Department of Trade and Industry (DTI).
Bitbit ang temang “Empowering MSMEs for ASEAN Prosperity,” layon ng summit na ihanda ang micro, small, at medium enterprises o MSMEs sa mas malawak na oportunidad sa merkado ng ASEAN.
Kabilang sa mga inaasahang dadalo sina First Lady Louise Araneta-Marcos, DTI Secretary Cristina Roque, Go Negosyo founder Joey Concepcion, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, at mga kinatawan ng sektor ng negosyo.
Ang programa ay bahagi rin ng suporta sa ASEAN Chairship ng Pilipinas at paggunita sa National MSME Month.
Mahalaga ang nasabing aktibidad dahil ang MSMEs ang bumubuo sa 99.63% ng lahat ng negosyo sa bansa.