Hindi pinalagpas ni Philippine Coast Guard o PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Jay Tarriela ang paghahalintulad ng mga Pilipino sa isang unggoy.
Kaugnay pa rin ito ng inilabas na AI-generated video ng state-run media outlet na China Daily na nagpapakita ng racist behavior laban sa Pilipinas.
Ayon kay Tarriela maituturing na isang pangkalahatang pangha-hamak sa mga Pilipino ang inilabas na propaganda ng China na isang “below the belt” na galawan.
Aniya hindi dapat mayurakan lang ng isang mapag-usig na video ang napakataas na dangal at dignidad ng mga Pilipino at lalong dapat igiit ng bansa ang karapatan nito sa West Philippine Sea anoman ang ilabas na paninira at fake news ng China.