Hinimok ni International Criminal Court o ICC President Judge Tomoko Akane ang lahat ng korte, mga bansa at nasyon na patuloy na idepensa at pairalin ang international rule of law at pagpapatupad ng hustisya.
Kasunod ito ng ipinagdiwang na International Criminal Justice Day nitong July 17.
Ayon kay Judge Akane, mahalagang maigiit ang patuloy na pag-iral ng batas gayundin ang pagigiging independent ng mga hukuman saan mang panig ng mundo, malaya sa anomang impluwensiyang politikal.
Dagdag pa ng hukom na dapat ay manatili at palaging manaig ang impartiality ng mga korte sa pagbibigay ng hatol sa anomang kasong kanilang hinahawakan. Samantala, binigyang-diin naman ni ICC-accredited lawyer Atty. Gilbert Andres na malaki ang papel na ginagampanan ngayon ng ICC upang salagin ang “culture of impunity” o ang kultura ng kawalang-pananagutan.