Photo courtesy of PHIVOLCS
Nakapagtala ang PHIVOLCS ng siyam na volcanic earthquake sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras, batay sa ulat ng ahensya ngayong July 18, 2026.
Nasa 64 tonelada bawat araw ang sulfur dioxide flux ng naturang bulkan, batay sa pinakahuling monitoring ng ahensya noong July 8, 2026.
May taas na 100 metro ang plume ng bulkan, na nasa mahinang pagsingaw at napadpad sa timog-silangan.
Naitala rin ang panandaliang pamamaga ng bulkan.
Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan, kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at ang pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-kilometrong Extended Danger Zone (EDZ) sa gawing timog-silangan.
Ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan. Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na posibleng maganap ang biglaang steam-driven o phreatic eruption anumang oras.