Photo courtesy of Department of Labor and Employment (DOLE)
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na palawigin ang tulong ng pamahalaan sa mga nangangailangan, ipinamahagi ng gobyerno ang ₱174.6 million cash aid at iba pang assistance sa higit 20,000 workers, farmers, at iba pang benepisyaryo ng Negros Oriental, Negros Occidental, at Siquijor.
“Nais ng Pangulo na palawakin ang mga oportunidad sa trabaho at kabuhayan habang pinatitibay ang bagong tatag na Negros Island Region,” ani Castro.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, higit 20,000 manggagawa, magsasaka, at mga higit na nangangailangan ang nakatanggap ng livelihood grants, mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Integrated Livelihood Program (DILP).
“Ang tulong na ito ng pamahalaan ay sumusuporta sa iba’t ibang proyekto katulad ng agribusiness, rice at corn milling, rice trading, livestock production, vegetable farming at maliit na negosyo upang magkaroon ng pangmatagalang pagkakakitaan ang mga beneficiaries.’ -Castro
Namahagi rin ang DOLE ng pondo para sa TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers), at emergency employment program na nag-bigay ng temporary wage work para sa displaced, underemployed, at seasonal workers.
Ang labor department, nagbigay rin ng temporary work para sa libo-libong benepisyaryo sa mga nabanggit na lugar.
“Naglaan din ang DOLE ng pondo para sa TUPAD na magbibigay ng pansamantalang trabaho sa libo-libong beneficiaries sa Negros Oriental, Negros Occidental, at Siquijor. Kabilang sa kanilang gagawing proyekto ang pagkukumpuni ng mga pampublikong pasilidad, paglilinis ng mga kalsada, at iba pang gawaing pangkomunidad.” -Castro