Nasa 90% nang handa ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang latag ng seguridad para sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Acting Spokesperson, Police Col. Allen Rae Co, pinagana na ng nila ang kanilang security template para sa nasabing okasyon.
Nananatili sa mahigit 20,000 tauhan nito ang ide-deploy mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) katuwang ang National Support Units nito.
Kaagapay naman nila ang iba pang Law Enforcement Agencies gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).
Asahan na rin ang pagtataas ng Full Alert status sa mismong araw ng SONA gayundin ang iba pang hakbanging pangseguridad gaya ng signal jamming at no fly zone sa paligid ng Batasan Complex.
Kasunod nito, umapela rin ang PNP sa mga raliyista na bawal ang pagsusunog ng effigy sa kasagsagan ng SONA at hinihikayat din nila ang mga ito na huwag nang magsama ng mga bata para na rin sa kanilang kapakanan.
Nabatid na unang tinutulan ng NCRPO ang pagpuwesto ng mga raliyista sa tapat ng St. Peter’s Church kasunod ng serye ng mga pakikipagpulong ng mga progresiibong grupo sa Lokal na Pamahalaan ng Quezon City.