May ilang benepisyaryo na rin ng Walang Gutom Program (WGP) sa Brgy. Payatas, Quezon City ang makatatanggap ngayong araw ng kanilang UPLIFT Assistance.
Bahagi sila ng Group 1 beneficiaries na makatatanggap ng ₱2,000 cash assistance.
Sumailalim muna sa 3K Session (Kalusugan, Kakayahan, at Kabuhayan) ang nasa 45 WGP beneficiaries bago ang manual payout.
Ang UPLIFT Assistance para sa WGP beneficiaries at 4Ps ay one-time grant o isang beses lamang.
Ipinatutupad ang UPLIFT Assistance upang matulungan ang mga pamilyang higit na nangangailangan na mapanatili ang kanilang purchasing power sa gitna ng nananatiling hamon sa global oil crisis.