Pinalalakas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Trabaho Agad job fairs, pagsusuri sa sahod, at proteksiyon para sa mga gig worker.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, umabot sa halos 38% ang placement rate sa mga isinagawang job fair. Target ng DOLE na makapagsagawa pa ng dalawa hanggang tatlong job fair bago matapos ang taon, lalo na sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
Sinabi rin ni Tolentino na inaasahang lilikha ng mga bagong trabaho ang mga dayuhang pamumuhunan na bunga ng mga biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kabilang ang nakatakdang investment mula Oman sa Cebu.
Kasabay nito, nakikipag-ugnayan ang DOLE sa mga kumpanya at stakeholder upang palakasin ang proteksiyon para sa freelancers, independent contractors at ride-hailing motorcycle riders.
Tiniyak din ni Tolentino na nagpapatuloy ang pagsusuri ng mga Regional Tripartite Wage Board para sa napapanahong paglalabas ng mga bagong wage order.